Ititigil na ng North Korea ang lahat ng kanilang missile at nuclear test.
Batay sa ulat mula sa isang state news agency sa Pyongyang, epektibo ngayong araw ang nasabing anunsyo ni North KIorean Lider Kim Jong-Un.
Bukod umano sa nasabing desisyon ng North Korean lider, handa rin ang naturang bansa na buksan para sa inspeksyon ang kanilang nuclear site.
Pinaniniwalaang ang pagpapatigil ng kanilang aktibidad ay bunsod ng nakatakdang pulong nina US President Donald Trump at North Korean President Kim Jong-Un sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.
Nauna nang sinabi ng ilang foreign observers na tila nagiging malamya na ang North Korea sa kanilang nuclear program.