Nakababahala ang missile launch na isinagawa ng China sa pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Lt. Col. Dave Eastburn, spokesman ng Pentagon, ang aksyon ng China ay taliwas sa kanilang pahayag na kapayapaan ang kanilang hangarin para sa rehiyon.
Sinabi ni Eastburn na ang ginawang missile launch ng China ay posible na naglalayong takutin ang iba pang claimants sa ilang lugar sa South China Sea.
Maliban sa China, ang iba pang mga bansa na umaangkin sa ilang bahagi ng South China Sea ay ang Pilipinas, Brunei, Malaysia, Taiwan at Vietnam.
Sinasabing isinagawa ang multiple anti-ship ballistic missile test ng Vhina malapit sa Spratly Islands.