Posibleng isagawa ng North Korea ang test launch ng kanilang inter-continental ballistic missile sa mismong inagurasyon ni US President-elect Donald Trump sa Enero 21.
Ayon kay Patrick Cronin ng Center for a New American Security, tila nais lamang ni North Korean Supreme Leader Kim Jong-Un na magpakilala kay Trump sa pamamagitan ng paghahasik ng takot.
Ito anya ang paraan ni Kim upang iparating ang mensahe sa Estados Unidos na hindi basta-bastang kalaban ang NoKor na handang lumaban sa sinumang maghahamon ng gulo.
Inihayag naman ni US Defense Secretary Ash Carter na handa nilang pabagsakin ang nuclear missile ng NoKor sa pamamagitan din ng ICBM.
Samantala, no-comment muna ang Amerika sa test launch ng isa pang itinuturing na karibal na pakistan sa nuclear missile nito sa bahagi ng Indian Ocean.
By Drew Nacino