Mariing kinondena ng North Atlantic Treaty Organization o NATO ang ginawang paglulunsad ng North Korea ng long-range missile kahapon ng umaga.
Ayon kay NATO Secretary General Jens Stoltenberg, may direktang paglabag ang hakbang na ginawa ng Hilagang Korea sa limang resolusyon ng United Nations Security Council Resolutions.
Nanawagan si Stoltenberg sa North Korea na itigil na ang pagbabanta o pagsasagawa ng anumang paglulunsad gamit ang ballistic missile technology nito.
By Mariboy Ysibido