Ipinagmalaki ni North Korean Leader Kim Jong Un na pagpapatunay ng ginawa nilang missile launch kahapon ang kanilang kakayahang atakihin ang mga Amerikanong nasa Pacific Region.
Ginawa ni Kim ang pahayag matapos ang dalawang magkasunod na missile launch kahapon na bumagsak sa karagatang sakop ng Japan.
Una rito, kinondena ng mga bansang South Korea, Estados Unidos at Japan ang pagpapakawala ng missile ng NoKor na anila’y paglabag sa UN Security Council Resolutions.
By Ralph Obina