Minaliit lamang ng North Korea ang banta ng Estados Unidos na karagdagang sanction laban sa Pyongyang dahil sa missile threat.
Sa halip, ipagpapatuloy pa ng NoKor ang pagpapalakas sa kanilang nuclear at missile programs.
Ayon sa North Korean envoy na si Chong Myong Nam, kabilang sa dini-develop ng kanilang bansa ngayon ay ang preemptive first strike capability at inter-continental ballistic missile.
Matatandaang kalahating siglo nang nasa ilalim ng sanction ng ibat ibang mga bansa ang NoKor ngunit nananatili itong matatag dahil sa kanilang self-sufficiency.
By Ralph Obina