Nabunyag na nagtayo ang china ng missile shelters and radar at communications facilities sa bahagi ng Spratly Islands.
Mismong ang Asia Maritime Transparency Initiative, ang strategic and international studies ng Estados Unidos ang nakadiskubre ng naturang aktibidad ng Beijing.
Sa inilabas na panibagong satellite image, makikita ang mga bagong pasilidad na itinayo ng China sa Fiery Cross, Mischief at Subi Reef na bahagi ng Spratlys.
Ipinauubaya naman ng Malacañang sa Philippine Navy ang pagsasagawa ng hakbang sa panibagong itinayong pasilidad.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nananatili ang mutual understanding at dialogue approach ni Pangulong Rodrigo Duterte sa maritime dispute sa China.
Binigyang diin pa ni Abella na interesado ang Pangulong Duterte na kausapin ang China ngunit hindi pa aniya napapahon upang maging combative ang approach ng Pilipinas kaugnay ng posisyon sa arbitral ruling.
By Meann Tanbio / Ralph Obina
Missile shelter at radar structure ng China sa Spratlys nabunyag was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882