Ikinababahala ni US Secretary of State John Kerry ang paglalagay ng surface to air missiles ng China sa Woody Island na sakop ng Paracel Group of Islands sa West Philippine Sea.
Ayon kay Kerry, serious concern ang pinakahuling hakbang na ito ng China na lalo lang aniyang nagpapataas ng tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Iginiit ni Kerry na dapat ay walang anumang uri ng militarisasyong umiral sa West Philippine Sea partikular sa mga isla at bahura ng mga inaangkin ng mga bansa kabilang ang China, Taiwan, Vietnam at Pilipinas.
By Ralph Obina