Dalawang motibo ang tinututukan ng mga otoridad sa Amerika kaugnay sa pagkakapaslang kay Pinoy Lawyer Atty John Albert “Jal” Laylo.
Kabilang sa mga motibong ito, ayon kay New York Consul General Elmer Cato ay Mistaken Identity kung saan posibleng nagkamali ang gunman sa pinaputukang sasakyan na maaaring kapareho ng sinasakyan ni Laylo.
Bukod pa ito sa anggulong random shooting.
Isang pulong na ang hiniling ni Cato kay Philadelphia Mayor Jim Kenney at Police Commissioner Daniella Outlaw kaugnay sa estado ng imbestigasyon sa krimen.
Kasabay nito, tinawag namang heinous at senseless ni Kenney ang nangyari kay Laylo matapos ipaabot ang pakikiramay sa buong pamilya.
Binigyang diin ni Kenney na ang krimen ay resulta ng maluwag na pagdadala ng mga armas sa kanilang lungsod na hindi na talaga aniya katanggap tanggap.