Isang misis sa Bengaluru, India, ang nagsampa ng kaso laban sa kaniyang mister dahil umano sa kanilang pusa?
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Isang hindi pinangalanang mag-asawa sa India ang iniulat ng isang local media ang nagkaroon ng tila normal na away mag-asawa ngunit humantong pa hanggang sa korte.
Ayon sa misis, sinampahan niya ng kaso ang kaniyang mister sa Karnataka High Court dahil sa nararanasang pangmamalatrato mula rito at dagdag niya pa ay mas inaalagaan pa nito ang kanilang pet cat.
Matapos usisain ang reklamo, nakita ito ng korte bilang walang katuturan, at bukod pa riyan, walang nakitang pruweba ng pangmamalupit ang mister sa kaniyang misis.
Ayon umano sa babae, nauuwi lamang sila sa pag-aaway ng kaniyang mister dahil sa sobra-sobrang atensyon na ibinibigay nito sa kanilang pusa at sinabi rin na walang ginawang aksyon ang kaniyang mister sa makailang beses na pagkalmot at pag-atake ng pusa sa kaniya.
Gayunpaman, hindi nagpatuloy ang imbestigasyon ng kaso dahil ayon sa korte ay ang inaakusa ng misis sa kaniyang mister ay hindi nakapaloob sa IPC 498A na kabilang sa indian penal code na tungkol sa pang-aabuso sa mga married women.
Bukod pa riyan, ang mga ganoong klase raw ng kaso ay nakadaragdag lamang sa mga kasong kasalukuyan nang nakabinbin.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa pambihirang pangyayaring ito?