Nagpositibo sa COVID-19 ang mister ng pasyenteng ika-apat na kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.
Kinumpirma ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at sa ngayon aniya ay nananatili ito sa isang isolation facility.
Hindi pa aniya tukoy kung anong variant ang tumama sa lalaki dahil isinasailalim pa ang sample nito sa genome sequencing.
Magkasamang dumating sa bansa ang mag-asawa noong December 10 mula Estados Unidos.
Sinabi pa ni Vergeire na ang pamilya ng pasyente ay sumailalim na rin sa isolation nakatakda ring isailalim sa testing.