Nagpapagaling na at stable na ngayon ang kondisyon ng mister ni Jaya na si Gary Gotidoc matapos magkaroon ng mild stroke noong nakaraang linggo.
Sa isang Instagram post, binanggit ni Jaya na nagpapasalamat siya sa diyos sa paggaling ng kanyang mister nang ma-ospital ito ng tatlong araw.
Sinasabing si Jaya ay halos 14 na taon nang kasal kay Gotidoc.