Binawian ng buhay ang isang lalaki habang sugatan ang misis nito matapos tambangan at pagbabarilin ng 2 lalaking lulan ng motorsiklo sa Mayamot, Antipolo City.
Dead-on-the spot si Abad Antonius Lazaro habang nagtamo naman ng sugat sa hita ang kanyang asawang si Grace.
Nakatakas naman ang mga salarin na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Batay sa ulat ng Antipolo City Police, lulan ang mag-asawa ng kanilang sasakyan at patungo sa direksiyon ng sumulong highway nang mapahinto sila sa isang intersection sa lugar.
Dito na umano sila biglang nilapitan ng mga suspek at pina-ulanan ng bala.
Nang makitang napuruhan ang target ay mabilis nang tumakas ang mga gunmen.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril.