Posibleng isang bagong usbong ng corona virus ang sanhi ng naitalang mahigit 50 kaso ng misteryosong sakit sa Wuhan City sa China.
Ito ay ayon sa World Health Organizations (WHO) kung saan maaaring kabilang ito sa klase ng mga virus na nagdulot noon ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS) outbreak.
Sinabi ni WHO na kinakailangan pa nila ng mas komprehensibong impormasyon para makumpirma ang uri ng pathogen na dahilan ng impeksyon sa Wuhan.
Gayundin ang matukoy ang epidemiology, clinical picture, pinagmulan, paraan ng pagkakahawa, lawak ng impeksyon at kinakailang ipatupad na countermeasures laban dito.
Disyembre noong nakaraang taon nang magsimula ang misteryosong pneumonia outbreak sa Wuhan na nakapagtala na ng 59 na kaso.