Ibinabala ng Meat Importers and Traders Association (MITA) ang posibleng shortage sa suplay ng karneng baboy sa pagpasok ng Disyembre.
Kasunod ito ng pagkamatay ng maraming alagang baboy sa ilang backyard farm sa Rizal at Bulacan.
Ayon kay MITA President Jesus Cham, dapat na maging transparent ang mga hog raiser at makipagtulungan sa local government unit para hindi lumala at maagapan ang pagkalat ng sakit sa baboy.
Kaugnay nito, plano ng mga meat importer na makipag pulong kay DA Secretary William Dar para hilingin na payagan silang mag angat ng pork products sa Germany na wala namang kaso ng African Swine Fever.