Malaking benepisyo sa mga bansang may limitadong supply ng COVID-19 vaccine ang mix and match ng iba’t ibang brand ng bakuna.
Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, magbibigay ng matibay na immune response ang paghahalo ng doses ng bakunang Pfizer at AstraZeneca.
Bukod dito, sinabi ni Vega na nananatiling dependent ang Pilipinas sa isinasagawang clinical trials ng World Health Organization (WHO).
Aniya, kung magkakaroon man ng malinaw na rekomendasyon ay posibleng i-adopt ng national vaccination implementation ang naturang mix and match ng bakuna.
Una nang inanusiyo n Department of Science and Technology (DOST) ang pagsisimula ng pag-aaral para sa safety and efficacy ng mixing and matching ng limang COVID-19 vaccines ngayong buwan ng Hulyo.