Kasado na ang paghahalo ng Sinovac at iba pang bakuna para sa mix and match trial ng COVID-19 vaccines.
Ipinabatid ni DOST Undersecretary Rowena Guevara na sisimulan ngayong linggo sa Muntinlupa at Davao ang dry run para sa paghahalo ng iba’t ibang uri ng bakuna kontra COVID-19.
Ang aktuwal aniyang mix and match ng mga bakuna ay gagawin ngayong linggo o unang linggo ng Nobyembre at tig 250 participants ang kada paghalo ng dalawang klase ng bakuna o halimbawa ay kumbinasyon ng Sinovac-Janssen o Sinovac-Moderna.
Sinabi ni guevara na nasa 3k hindi pa nababakuhan kontra COVID-19 ang maaaring makilahok sa mix and match trial na ang resulta ay posibleng ilabas sa Disyembere o Enero ng 2022.