Napanatili ni American-Singaporean Mixed Martial Artist Angela Lee ang kaniyang titulo sa one Women’s Atomweight World Champion.
Ito ay matapos na talunin niya sa second round submission si Stamp Fairtex ng Thailand sa One:X na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.
Sa pasisimula ng laban ay nagtamo ng malalakas na pag-atake si Lee pero bumawi ito sa natitirang 4:50 mark.
Samantala, ito ang ika-limang beses na matagumpay na nadepensahan ni Lee ang kaniyang titulo. – sa panulat ni Airiam Sancho