Ligal na ang Mixed Martial Arts sa New York City.
Ito ay matapos ang 19 na taon na pagbabawal sa naturang isport.
Sa botong 133-25, naisabatas na ang panukalang gawing ligal ang MMA o isport ng pinagsamang wrestling, kickboxing at judo.
Una rito, umaalma ang ilang sektor na tutol dito dahil sa pagiging barbaro o bayolente ng naturang isport.
Tulad din ng football at boksing, lantad din sa head injuries ang mga sumasabak sa larong ito.
Upang ma-address ang mga problemang ito, tinaasan na ang insurance ng mga MMA fighters na nasa 50,000 dolyar para sa mga mandirigmang magtatamo ng pinsala habang kung magiging malubha ang kondisyon ng isang fighter ay may insurance ito na isang milyong dolyar.
By Ralph Obina