Isang miyembro ng Abu Sayyaf ang inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar sa Zamboanga city.
Kinilala ni Chief Supt. BILLY Beltran, police regional office-9 Director ang suspek na si Adam Mahamdon alyas Junior Hali, miyembro ng urban terror group ng ASG
Ayon kay Beltran, nahaharap si Mahamdon sa kasong 8 counts of kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkakasangkot sa June 2, 2001 Lamitan Siege sa Basilan.
Dakong alas 9:40 nang masakote ang suspek sa Waterfront Public Market.
Itinurn-over na si Mahamdon sa kustodiya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.
By: Drew Nacino