Arestado ang isang (1) miyembro umano ng Abu Sayyaf Group o ASG sa Sitangkai, Tawi-Tawi matapos ituro sa mga awtoridad ng mga mismong residente rito.
Kinilala ng Joint Task Force Tawi-Tawi Marine Battalion Landing Team 10 ang suspek na si Sahidul Bandhala Jikiri alias Idul, Jamiri Saidul, Saidul Idul at Jikiri Saidul.
Ayon kay JTF Tawi-Tawi Commander Brigadier General Custodio Parcon, nakikipagpulong ang kanilang mga tauhan sa residente ng Barangay Sipangkot nang ibunyag ng isang residente ang identity ni Jikiri.
Kaagad silang nakipag-ugnayan sa PNP o Philippine National Police at inimbitahan para sa isang interview si Jikiri na umanong ASG/KFRG member sa ilalim nina ASG/KFRG Sub Leaders Idang Susukan at Sihata Latip na nag-ooperate sa Sulu Province.
Sinabi ni Parcon na ibinunyag pa ni Jikiri ang pag-kontak sa kaniya nina ASG/KFRG Sub Leaders Abraham Hamid, Salip Susung, Nixon Mutakdil at Brown Mutakdil nang pinagpaplanuhan ang mga pagdukot at cross border seajacking na ang target karamihan ay mga dayuhan at barko.
By Judith Larino
Miyembro ng Abu Sayyaf timbog sa Tawi-Tawi was last modified: May 15th, 2017 by DWIZ 882