Papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magiging bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Commission sa Enero.
Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ilalabas ang appointment papers sa susunod na buwan, halos 2 buwan mula nang lagdaan ng Pangulo ang Executive Order na nagtalaga sa Bangsamoro Transition Commission.
Produkto ang Bangsamoro Transition Commission ng final peace agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.
By: Avee Devierte