Tuluyan nang tinalikuran ng isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF ang armadong pakikibaka at pinili na lamang magbalik loob sa Pamahalaan.
Ayon kay Western Mindanao Command (WESMINCOM) Chief, Lt/Gen. Alfredo del Rosario Jr, sumuko si alyas Seck Panday sa 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Cotabato.
Kasamang isinuko ni alyas Panday ang kaniyang M-16 rifle nang humarap ito sa militar sa Brgy. Salunayan sa bayan ng Midsayap dahil na rin sa hirap ng buhay sa kabundukan na sinabayan pa ng pandemiya ng COVID-19.
Dahil dito, pinagkalooban ng tulong pangkabuhayan si alyas Panday upang makapagsimulang muli ng bagong buhay at malayang makagalaw sa sibilisadong lipunan.
Batay sa datos ng Joint Task Force Central, ika-189 na bandido si Panday na sumuko sa Pamahalaan sa Central Mindanao. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)