Tatlo pang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang sumuko sa militar sa Maguindanao Norte.
Ayon kay 33rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., sumurender ang tatlong kasapi ng BIFF – Kagui Karialan faction sa Barangay Zapakan sa bayan ng Rajah Buayan.
Kasama ring isinuko ng mga ito ang dalawang Carbine rifles at isang Garand rifle.
Ayon sa mga surrenderers, nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan sa takot sa kanilang kaligtasan bunsod na rin ng kaliwa’t kanang operasyon ng militar sa lalawigan.