Pansamantalang ilalagay sa iba’t ibang unit ng Manila Police District ang mga miyembro ng binuwag na district Anti-Illegal Drugs.
Ayon sa Chief of Directorial Staff ng Manila Police District na si Senior Superintendent Bartolome Bustamante, maaari pa rin mang-aresto ang mga Pulis-Maynila ng sinumang maaaktuhang may iligal na droga o ang mga may warrant of arrest.
Nilinaw ni Bustamante na mga buy bust operation, oplan tokhang, at project double barrel alpha lamang ang suspindido.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco