Arestado ang isang miyembro ng gun-for-hire at high value target list sa isinagawang buy-bust sting sa Barangay Cuta Central, Batangas City.
Kinilala ang suspek na si Jessie Gumban, alias Bakol, 26 anyos.
Ayon kay Batangas Police Director Col. Glicerio Cansilao, ang suspek ay hindi lamang contract killer kundi supplier din ng iligal na droga.
Ang pagkaaresto suspek ay batay sa sumbong mga concerned citizens, kaya agad na isinagawa ang buy-bust at nasamsam dito ang mga walang lisensyang baril.
Nakumpiska rin kay Gumban ang nasa 13.5 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 91,000 pesos.