Naaresto ng PNP ang isang miyembro ng NPA o New People’s Army na sinasabing kolektor ng grupo sa kanilang kinikikilang mga politiko at negosyante sa Obando, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Donato Jacob alyas “Jonas Dondon” at “Diego”.
Ayon kay PNP chief Ronald Dela Rosa, si Jacob ang nagsisilbing kolektor ng NPA sa mga pulitiko, may-ari ng mga fish ponds at quarry operators sa Bulacan.
Bukod dito, nahaharap din si Jacob sa kasong robbery at nasasangkot sa engkwentro noong Disyembre 23 sa Angat na ikinasawi ng isang miyembro ng anti kidnapping group.
Samantala, ipinirisinta rin ng PNP sa media ang kanilang nadakip na dating sundalong wanted sa kasong kidnap for ransom at kidnapping with homicide.
Kinilala itong si Brandall Mark Violeta Cacatian alyas “Cat” na naaresto sa Taguig City.
Ayon kay Dela Rosa, si Cacatian ay nasibak na miyembro ng Philippine Army at kasalukuyang motorcycle grab operator.