Pumanaw na ang miyembro ng Philippine National Underwater Hockey Team na si Johanna Lim Uy.
Pagkumpirma ng Philippine Sports Commission (PSC), namatay ang 41-anyos na sea games silver medalist dahil sa sunog kasama ang kaniyang 67-anyos na ina.
Hindi nakalabas ang dalawa sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na natupok at umabot sa unang alarma.
Ilang atleta naman ang nagpaabot ng pakikiramay sa nasawing mga biktima.
Si Uy ay nagwagi ng dalawang silver medal sa women’s 4 by 3 at women’s 6 by 6 events sa underwater hockey competition noong 2019. —sa panulat ni Abigail Malanday