Nagbabala ang National Capital Region Police Office o NCRPO na aarestuhin nila ang sinumang miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na maaaktuhang manghaharang sa mga jeepney driver na hindi lalahok sa ikinasa nilang dalawang araw na tigil – pasada.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, magpapakalat sila ng mahigit 2,000 pulis sa labing limang (15) critical areas sa Metro Manila upang mag – monitor sa isasagawang transport strike ng PISTON.
Maliban dito, mag – dedeploy din aniya ang gobyerno ng anim na trak na magbibigay ayuda sa mga mananakay na maapektuhan ng tigil – pasada.
Nauna dito, tiniyak ng PISTON na kasado na ang kanilang ikinasang nationwide transport strike sa Lunes at Martes, Disyembre 4 at 5, bilang pag – kontra sa jeepney modernization program ng pamahalaan.