Arestado ang isang miyembro ng Daesh/ISIS-inspired Maute terrorist group sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Marawi City.
Kinilala ang naaresto na si Nadil Sandab Tomara, alyas “Nabel Sandab”, at Abu Khalifa.
Ayon kay PNP-AKG Director Police Brig. General Jonnel Estomo, naaresto si Tomara sa kanyang tahanan sa Barangay Raposan, Marawi City sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ng korte sa Lanao Del Sur.
Sinabi ni Estomo, nasasangkot si Tomara sa madugong Marawi siege noong ika-23 ng Mayo ng 2017 na tumagal naman ng limang buwan.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Marawi City Police Station si Tomara at ipinagharap na sa mga kasong rebelyon, murder at illegal possession of firearms.