Hindi na napigilang sagutin ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ang pambabatikos ng kaniyang mga basher sa social media.
Kasunod ito ng video post ni MJ sa kaniyang facebook page kung saan, makikitang kasama niya ang Mexican delegate sa Miss Earth 2022 na si Indira Perez Meneses.
Nabatid na maraming netizen ang nagsasabing magkamukha at may pagkakahawig ang dalawang beauty queen, dahilan para kaaliwan at purihin ito ng maraming followers ni MJ.
Dito na nagsimulang mambatikos ang isang netizen at tinawag ang dalawa na retokada na agad namang sinagot ni MJ.
Ayon kay MJ, retokada man siya, ay kaya naman niyang bayaran ang kaniyang pagpapaganda.
Iginiit pa ng beauty queen na hindi dapat wine-welcome sa buhay ang ano mang uri ng pambubully mula sa sinuman.