Hindi pa kasama si Mary Jane Veloso sa mga nakatakda nang bitayin sa Indonesia.
Ayon sa tagapagsalita ng Attorney General sa Indonesia na si Muhammad Rum, nakasalalay ang kaso ni Veloso sa ligal na proseso ng Pilipinas kung saan kinakailangan pa ang salaysay nito.
Giit ni Rum, hindi lamang sila nakatuon sa isyu ng pagbitay kundi pati na rin sa mga legal process ng kanilang bansa.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng Indonesian Attorney General, mapabilang man sa listahan ng bibitayin si Veloso o hindi, sisiguraduhin pa rin muna, aniya, nila kung kakailanganin pa ang testimonya nito sa Pilipinas.
Paglilinaw ni Rum, pinostpone ang pagbitay kay Veloso dahil nagpapatuloy pa rin ang legal process sa Pilipinas hinggil sa kasong drug trafficking laban sa kanya.
By: Avee Devierte