Taliwas sa inaakala ng nakararami na si Floyd Mayweather Jr. ang tatanghaling Best Fighter ng 2015 ESPY Awards, nasungkit ito ni MMA Fighter Ronda Rousey.
Ito ang unang pagkakataon na iginawad ang naturang award sa isang MMA Fighter mula nang mabuo ito noong 2007.
Kasabay nito, pinasaringan ni Rousey si Mayweather sa pagsasabing ano kaya ang mararamdaman ng pound for pound king ngayong natalo ito sa isang babae.
Noong nakaraang taon, magugunitang naasar si Rousey sa pahayag ni Mayweather na hindi siya kilala nito.
Kung nagkataon, ito na sana ang ika-pitong beses ni Mayweather na mapapalalunan ang naturang award matapos pagharian ang 2007, 2008, 2010, 2013 at 2014.
Ang ating Pambansang Kamao naman ni si Manny Pacquiao ay minsang ding nakuha ang naturang award noong 2009 at 2011.
By Ralph Obina