Iginiit ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Metro Manila Council (MMC) chairperson na dapat manatili sa Alert level 1 ang Metro Manila.
Kasunod ito ng planong pagpapatupad ng Alert level 0 at mga alituntunin ng pamahalaan sa gitna ng bumubuting sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Olivarez, hindi pa handa ang National Capital Region (NCR) na ilagay sa Alert level 0 ang sitwasyon sa kalakhang Maynila lalo’t may panibagong variant ng COVID-19.
Matatandaang nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi dapat ikonsiderang new normal ang Alert level 1 bagkus ay ang Alert level 0.
Sa ngayon, nasa ilalim pa ng Alert level 1 ang Metro Manila hanggang Marso a-15 at kasalukuyan pang binabalangkas ng pamahalaan ang lalamanin ng nasabing bagong Alert level. —sa panulat ni Angelica Doctolero