Balot pa rin ng pangamba ang mga health care worker sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ito ang inamin ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at isa sa dahilan ang healthcare utilization rate.
Ayon kay Olivarez, ang pagbaba ng healthcare utilization sa NCR ang ikinunsidera ng gobyerno upang pababain sa alert level 3 mula sa alert level 4 ang alert system simula bukas.
Kailangan pa rin anyang balansehin ang ekonomiya at kalusugan, lalo’t hindi pa maikokonsiderang stable na ang health care utilization rate sa Metro Manila.
Bukod sa utilization rate, tinukoy ng Alkalde na naging batayan sa desisyon ang pagbaba ng reproduction number ng COVID-19 cases.—sa panulat ni Drew Nacino