Magpapalabas ng dagdag na panuntunan ang Metro Manila mayors kaugnay sa pagpayag na makalabas na ang limang taong gulang pataas.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos magpupulong ang Metro Manila council sa mga susunod na araw para makabuo ng guidelines tulad ng adult supervision at mga lugar kung saan maaaring bumisita ang mga bata.
Pinayuhan ni Abalos ang mga magulang na huwag nang makipagsisikan o ipilit pa ang kanilang mga anak na magtungo sa mga lugar na maraming tao.