Magpupulong ang Metro Manila Council (MMC) ngayong araw hinggil sa paiiraling alert level 3 sa rehiyon na magsisimula bukas.
Ayon kay sharon gentalian, chief information officer ng metropolitan manila development authority, inaasahan nilang ipatutupad ang parehong mga patakaran noong nakaraang taon sa ilalim ng naturang alert level.
Kabilang rin sa mga pag-uusapan ng alkalde ang pagpapatupad ng curfew gayundin ang paghihigpit sa mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19.