Nanindigan ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng mga Alkalde ng Metro Manila at iba pang opisyal ng pamahalaan na ipagpaliban ang muling pagbubukas ng mga sinehan.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr.,(MMDA) napag-usapan sa pulong ng MMC ang pasiya ng IATF na buksan nang muli ang mga ilan pang establisyimento tulad ng sinehan, arcades, museum at iba pa.
Gayunman, partikular na ikinababahala ng mga Alkalde at tinututulan ay ang muling pagbubukas ng mga sinehan.
Paliwanag ni Abalos, enclose o kulob kasi ang mga sinehan kaya mataas ang posibilidad na magresulta pa ito sa lalung pagdami ng kaso ng COVID-19 dahil sa mas mabilis na pagkalat ng aerosol.
Dagdag ni Abalos, sa kabila na nakasalalay pa rin ang pinal na desisyon sa national government ang mga Local Government Units (LGUs) pa rin naman aniya ang magpapasiya sa pagpapatupad at pagbuo ng implementing rules and regulations.