Nagkasundo ang mga miyembro ng Metro Manila Council o MMC na gumawa ng guidelines para sa anunsyo ng class suspensions partikular kung masama ang panahon.
Kasunod na rin ito nang isinagawang pulong ng konseho kung saan tinalakay ang iba’t-ibang mga isyu at panukala kasama na ang usapin sa pagde deklara ng suspensyon ng klase.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, napagkasunduan nila sa pulong na magkaruon na ng unofrm o iisang basehan para sa deklarasyon ng class suspension.
Ang mga alkalde pa rin aniya ang magpapasya kung walang pasok kapag malakas ang ulan o kung mayruong malawakang pagbaha.
Bukod kay Bautista, dumalo rin sa pulong ang mga alkalde ng Quezon City, Las Piñas, makati, Muntinlupa, Pasay, Pateros at San Juan.
—-