Hiniling na ng mga alkalde sa Metro Manila sa Inter-Agency Task Force ang suspensyon ng polisiyang nagpapahintulot sa mga batang edad 5 pataas na lumabas kahit may banta ng COVID-19 Delta Variant.
Sa briefing kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, inihayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos na wala pang depensa kontra COVID-19 ang mga bata kaya’t posibleng maging super spreader ang mga ito.
Sa kabila anya nito ay nakahanda ang mga Metro Manila Council ay handa sa pina-nga-ngambahang pagkalat ng delta variant.
“Kami po ay nagbotohan po kami kami pong mga alkalde, mga mayors nag-usap po kami at hinihiling po namin sa IATF yung polisiya tungkol sa 5 year old pataas baka pwedeng isuspende muna sa Metro Manila no iyan pong 5-17 ay hindi bakunado ang mga Mayors nagkakaisa rito iisa ang boses iisa ang boto ang mga Mayors po dito gusto ko lang po sabihin na handang-handa po sila sa Delta Variant.”
—sa panulat ni Drew Nacino