Nagpositibo sa COVID-19 si Metropolitan Manila Development Authority acting chairman Engr. Carlo Dimayuga III.
Kinumpirma ito ng MMDA Information Office at sinabing nakararanas si Dimayuga ng mild symptoms.
Nakasailalim na sa Home isolation si Dimayuga na tatagal ng pitong araw.
Magkakasa naman ng contact tracing bilang bahagi ng protocol.