Lalagda na ang Metropolitan Manila Development Authority sa isang Memorandum of Agreement sa Bureau of Fire Protection na magpapataw ng multang 6,500 Pesos para sa illegally parked vehicles sa mga itinalagang fire truck at ambulance lanes.
Ayon kay MMDA General Manager Thomas Orbos, layunin ng naturang hakbang na mabigyan ng maayos na biyahe ang mga truck ng bumbero at ambulansya tuwing may emergency.
Dapat anyang matuto ang mga motorista na magbigay-daan sa mga firetruck na gumagamit sa mga firelane .
Partikular na tinukoy ni Orbos ang Scout Tobias at Scout Bayoran na ngayo’y kabilang na sa fire lanes habang ang mga kalsadang hindi tinukoy bilang Mabuhay lanes o alternate roads maging ang mga major thoroughfare ay maaaring magsilbing fire lanes.
By: Drew Nacino