Nagtutulungan na ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ang MMDA o Metro Manila Development Authority para maayudahan ang mga apektadong pasahero ng MRT 3.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nagpakalat na sila ng mas maraming bus upang maging alternatibo ng mga apektadong pasahero.
Ngunit paglilinaw ni Delgra, may bayad ang mga naturang bus na kapareho ng pamasahe sa MRT at hihinto lamang sa mga istasyon nito sa bahagi ng EDSA.
Bukod pa aniya ito sa mga libreng sakay na ini-aalok ng MMDA na daraan din sa EDSA depende sa destinasyon ng mga pasahero.
By: Jaymark Dagala