Magpapatupad ng adjustment ng operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority at mga mall operator sa Metro Manila upang makatulong sa pagpapaluwag ng trapiko ngayong holiday season.
Ayon kay Chairman Romando Artes, batay sa advisory ng mga malls sa metro manila na i-a-adjust ang pagbubukas nito na magsisimula ng alas-onse ng umaga na palalawigin naman ang operasyon ng gabi.
Layunin nito na mabigyan ang mga mamamayan ng pagkakataong makaiwas sa rush hour at magawa ang kanilang last-minute shopping.
Nanawagan din ang mmda na gawing alas-onse ng gabi hanggang alas-singko ng umaga ang oras ng deliveries, maliban sa mga produktong madaling masira tulad ng pagkain.