Posibleng ipagbawal na sa EDSA sa susunod na taon ang mga sasakyang tanging driver ang nakasakay sa oras na aprubahan ang panukalang car pooling.
Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority at 17 Metro Manila Mayors na pag-aralan ang lahat ng proposals na inilatag ng lahat ng sektor upang mabawasan ang traffic congestion sa EDSA.
Sa pulong ng M.M.D.A. at mga alkalde, ang car pooling ang napipisil nilang pinaka-magandang opsyon sa ngayon.
Kung mayroon anilang tatlong pasahero sa kotse, tatanggalin ang number coding at makadaraan ang sasakyan sa EDSA kahit anong oras at araw.
Sakali namang dalawa lamang ang pasahero, subject pa rin ng number coding scheme ang sasakyan pero kung isa lamang ang sakay ay bawal ito sa EDSA anumang oras.