Pormal nang nagbitiw sa kanyang tungkulin si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.
Aniya, naibigay na niya ang kanyang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Abalos na ilalaan niya ang kanyang panahon bilang national campaign manager ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Si Abalos ay nagsilbi ring campaign manager ni Marcos nang tumakbo itong bise presidente noong 2016.