Binubusisi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung gaano kalalim ang katiwalian sa anti-jaywalking unit ng MMDA.
Ayon kay Traffic Director Bong Nebrija, nangangamba sila na sangkot ang buong unit sa pamemeke ng jaywalking violation ticket ng MMDA.
Matindi anya ang ginawang katiwalian ng anti-jaywalking unit dahil resibo ng gobyerno ang kanilang pineke.
Wala po kaming protocol na gano’n, e. ‘Yung mga tao po na nahuhuli ng anti-jaywalking, kahit hindi niyo po alam, pumunta lang po sa main office, ‘yung mga guards doon ididirect kayo kung saan kayo dapat magpunta, kung anti-jaywalking punta kayo ng 6th floor, what is alarming is that, how come itong mga naaapprehend na ‘to is, they would go to 7th floor, because nobody will guide you to go to 7th floor, unless, during the apprehension sinabihan na, oh ito, magbayad ka sa 7th floor, at hanapin mo ‘yung anti-jaywalking unit,” ani Nebrija.
Sa ngayon ay inaaalam na ng MMDA ang printing office na gumawa ng mga pekeng resibo.
Nakakulong rin umano sa Makati City Jail ang tatlong enforce na nahuli nilang nag-iisyu ng pekeng resibo.
Galit na galit si Nebrija sa kanilang natuklasan dahil nakakalungkot anya na mismong sa loob ng tanggapan ng MMDA nangyayari ang katiwalian.
“So, ganyan po’yan, magrereport lang sila sa gym naming, tapos irerefrain sila. Sa totoo lang galit na galit ako noong nalaman ko ‘to, e. nakita niyo nung nasa ground kami, ‘yung mga enforcers namin, expose kami sa environment, expose kami sa hazard, ni bente (pesos), galit na galit ako na tatanggap ‘yung enforcer namin, tapos itong mga ‘to, nakaupo sa opisina, naka-aircon, P500 everday,” giit ni Nebrija.
Ratsada Balita Interview