Tatakbong senador sa 2016 si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.
Ito ang kinumpirma ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Duterte na bumisita sa kanya si Tolentino upang hilingin ang suporta nito sa planong pagtakbo sa senado.
Binigyang diin naman ni Duterte na buo ang kanyang suporta kay Tolentino na personal niya pang inendorso kay Pastor Apollo Quiboloy para magkaroon ito ng siguradong bilang ng boto mula sa mga taga-Davao.
Matatandaang itinanggi na noon ni Tolentino na nangangampanya na ito para sa 2016 kaya’t nag-iikot sa iba’t ibang lugar.
By Ralph Obina