Handang makipagtulungan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Transportation (DOTr) upang masolusyonan ang mahabang pila sa mga bus lane sa EDSA.
Ito’y matapos maraming pasahero ang nakapila sa mga bus kung saan maaari itong maging sanhi ng pagkakahawa ng virus sa bansa.
Sa Laging Handa briefing, inihayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos Jr, na handa itong tumugon sa sitwasyong nangyayari sa mga bus lane upang mas mapadali ang pagtulong sa mga ito.
Sinabi rin ni Abalos na posibleng ito ang maging dahilan ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Bukod dito, nakatulong sa problema ng traffic ang pagkakaroon aniya ng mga bus carousel, LRT/MRT at iba pang imprastrakturang itinatayo ng pamahalaan.
Naniniwala rin si Abalos na ginagawa rin ng DOTr ang lahat upang mapaayos ang mga problemang kinakaharap sa mga bus lane.