Inilunsad na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang “bepreparedmetromanila.com”.
Ang bagong website na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa kahandaan at pagtugon sa pagtama ng lindol.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, layon nitong bigyan ng access ang publiko sa pamamagitan ng teknolohiya’t komunikasyon sa mga paraan kung papapano magiging ligtas sa panahon ng kalamidad.
Maliban dito, hinihimok din ni Tolentino ang publiko na buhayin ang bayanihan at bolunterismo sa pamamagitan ng pagpapatala upang maging bahagi ng kanilang Metro Manila Rescue Volunteer Corps o MMRVC.
Target ng MMDA na makapagtala ng 8,000 volunteers na kanilang idedeploy sa panahon ng mga sakuna partukular sa pagtama ng lindol.
By Ralph Obina